Spoken Word

Kapag Sinabi Kong Mahal Kita by Juan Miguel Severo

Kapag sinabi kong “mahal kita”
Ang ibig kong sabihin
“Salamat at nandiyan ka”

Kapag sinabi kong “mahal kita”
Ang ibig kong sabihin
“Hinahanap-hanap parin kita”

Kapag sinabi kong “mahal kita”
Ang ibig kong sabihin
“Napapagod din ako”

“Nanginginig ang aking mga kalamnan
Nanlalambot ang aking mga tuhod
Nangangawit ang aking mga braso”

Dahil kapag sinabi kong “mahal kita”
Ang ibig kong sabihin
“Pagpapaguran ko ito”

Hihintayin kita
Susundan….
Susuyuin

Dahil ang aking “mahal kita”
Ay hindi nagtatapos
sa “mahal lang kita”

Ang aking “mahal kita”
Ay mayroong pagtanggap
Na ito, ito ang hirap na kalakip ng pag-ibig
Yakapin mo

Kapag sinabi kong mahal kita
Ang ibig kong sabihin “malupit ang mundo”
At mamahalin ko ang lahat ng kakampi mo

Kayat hayaan mong dumating ang mga bagyo
Hayaan mong malusaw ako sa araw
Hayaan mong kumbinsihin kita
Na kakampi rin ako

Ikaw, na hantungang inaasam
Ikaw, na kwentong hindi pagsasawaan
Ikaw, ang sandali na parating inaalala
Ikaw, ang kailangan kong pahinga
Ikaw, ang paghinga

Kapag sinabi kong “mahal kita”
Ang ibig kong sabihin “masaya ako”
Dahil “Mahal, gaano mana kahaba ang araw
Uuwi ako sayo

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s